ANG SOLUSYON AY MAGSISIMULA SA ATING SARILI

 

 

Ang diskriminasyon ay isang isyung patuloy parin lumaganap sa buong mundo. Ito ay ang pangunahing problema sa sangkatauhan dahil ito ay nakaka-apekto sa ating kapwa sapagkat ito’y hahantong sa karahasan at kawalang-katarungan. Ito’y nasa paligid simula noong 1400s ngunit nandiyan parin hanggang ngayon.  Lahat tayo ang sangkot sa problemang ito at tayo rin ang rason kung bakit ito patuloy na nabuhay sa ating lipunan. Mananatili itong problema sa bawat henerasyon kapag patuloy natin hintulutan ang mga di-makatarungang gawa ng isang mang-aapi.

 


Lahat ng tao ay ang ugat sa problemang ito, at kasali na ako doon. Simula bata pa ako, nasanay na akong sundin ang pamantayan sa ating lipunan. Kapag ikaw ay isang babae, ikaw lamang ay nababagay sa gawaing-bahay. At kapag ikaw ay isang lalake, dapat hindi ka mahina. Panghuli, kapag ikaw ay kayumanggi, hindi ka karapat-dapat maging parte sa lipunan. Marami pang ibang mga pamantayan sa atin na minsang naisip ko hindi na ito makatarungan. Bakit dapat natin sundin ang ating “stereotyped” na lipunan? Ang sanhi ng diskriminasyon ay dahil sa mga taong hindi kayang tumanggap sa pagkakaiba ng ibang tao. Bilang isang mamamayan, makakatuolong ako sa pagtigil sa isyung ito sa pamamagitan ng pagtanggap at pagrespeto ng lahi, seksualidad, relihiyon at iba pang mga bagay sa aking kapwa tao. Ang solusyon ay mag-uumpisa sa ating sarili kaya siguro kung natuto tayong umanawa at tanggapin ang pagkakaiba ng bawat tao sa murang edad, mas maging masaya at malaya ang pamumuhay ng lahat.


THE US-MEXICO BORDER

Matitigil ang problemang ito kapag lahat tayo ay mamulat sa realidad na ang bawat tao ay may natatanging buhay at dapat natin ito tanggapin. Huwag natin lahatin ang isang lahi dahil sa pagkakamali ng isang tao. Dapat natin baguhin ang pamantayan sa ating lipunan at dapat ito ay makatarungangan para sa lahat ng tao. Kaya ang solusyon ng isyu ng diskriminasyon ay magsisimula sa ating sarili. Sanayin natin ang ating sariling rumespeto at maging masaya sa desisyon at katangian ng ibang tao.



Comments

Popular posts from this blog

NAPAPANAHONG ISYU: TEENAGE PREGNANCY

HALAGA NG BUHAY

RODOLFO CORNEJO: A FILIPINO CONTEMPORARY COMPOSER