NAPAPANAHONG ISYU: TEENAGE PREGNANCY

 






Ang pagbubuntis ng mga kabataan o kilala bilang “Teenage Pregnancy” ay kabilang sa mga napapanahong isyu sa ating mundong hinaharap. Ang isyung ito ay lumaganap sa iba't ibang bahagi ng bansa. Ngayon, hinaharap natin ang masakit na katotohanan na karamihan sa aking kapwa kabataan ay may sariling ng mga anak. Sa Pilipinas, lumaki ang porsyento ng 8% noong 2003 hanggang 10% noong 2013 ang mga bilang ng mga kababaihan na may edad 15-19, ayon sa 2013 National Demographic and Health Survey (NDHS) at ang 2013 Young Adult Fertility and Sexuality Study (YAFS). Ito ay seryosong problema na dapat pagtuonan ng pansin dahil hindi biro ang magpapalaki ng isang tao sa murang edad.

 

Ang pagtaas ng teenage pregnancy rate ay nag-ambag ng krisis sa populasyon ng bansa. At ito rin ang dahilan ng paghinto ng pag-aaral sa mga kabataan at karamihan sa kanila ay umaasa lang sa kanilang mga magulang dahil walang trabaho kaya mas lumaganap ang kahirapan dito sa bansa. Ang kuryosidad ng isang kabataan ay isa sa mga sanhi ng isyung ito. Ng dahil kanilang pagiging kuryoso, pilit nilang sinusubukan kahit na wala silang alam sa “sex education”. Hindi sila gumamit ng mga “birth control” at iba pang mga paraan upang hindi mabuntis.  Ayon sa WHO noong 2015, mayroong estimadong 1.2 milyong kabataan namatay sa buong mundo ng dahil nito. Ang pagbubuntis ng mga kabataan ay mas nagbibigay ng malaking panganib sa kanilang kalusugan kagaya ng anemia, unsafe abortion, mental disorders, sexually transmitted infections atbp.   

 

Bilang isang kabataan, marami sa aking kapwa kabataan ay nakaranas ng hindi nakaplanong pagbubuntis. Hindi madali ang kanilang mga napagdaanan at dapat gawin ito ng ibang kabataan bilang isang halimbawa na hindi biro ang magpapalaki ng isang sanggol. Dapat ang mga kabataan ay magkaroon ng oportunidad na makisali sa pag-aaral tungkol sa “sex education” upang sila ay matuto at magkaroon ng ideya sa “safe sex” upang makaiwas sa pagbubuntis at mga sakit kagaya ng HIV. Ang pagtuturo ng sex education sa mga kabataan ay isang importanteng paraan upang makaiwas sa isyung ito.

 

 

 

Comments

Popular posts from this blog

HALAGA NG BUHAY

RODOLFO CORNEJO: A FILIPINO CONTEMPORARY COMPOSER