SASABAY SA DALOY
photo from @rebloggy.com |
Ang kalayaan ay isang bagay na naririnig at binigyan ng kahulugan ng lahat ngunit mahirap unawain ang tunay na kahulugan nito. Ito’y nagmula sa iba’t ibang paraan dahil nagdepende ito sa kung ano ang perspektibo ng isang tao sa buhay. Ito ay ang pinakamahalagang bagay na dapat meron ang isang tao dahil ito ay nagbigay sa ating ng kapangyarihan na magdesisyon para sa ating sarili ng walang paghihihigpit sa iba. Ito ay gumaganap ng malaking papel sa lipunan. Nang dahil sa kalayaan, binigyan tayo ng pagkakataon na mamuhay sa demokratikong paraan. Ang pagigiging malaya ay ang simula ng lahat, dito tayo unti- unting matuto sa malalim na kahulugan ng buhay. Hindi basta-basta ang magkaroon ng kalayaan dahil ang iba ay nagsisikap ng husto upang makamit lang ito.
Kaya ako, bilang isang kabataan, isang pribelihiyo ang magkaroon ng kalayaan sa paraan na hindi ako pinagbawalan sa kung ano ang gusto ko pero dapat mayroong mga limitasyon. Ang depinisyon ko sa kalayaan bilang isang kabataan, ay ang pagiging malaya sa aking desisyon pagdating sa aking kasuotan, pananaw at iba pa. Aming henersyon ngayon, unting-unti naming ginamit ang aming kalayaan sa pagsasalita sa mga pangyayari sa ating lipunan lalong lalo na sa larangan ng politikal. Ngunit mayroong pagkakataon rin na ang gusto ko lang ay kasiyahan. Isa sa mga dahilan ng aking kasiyahan ay ang aking mga kaibigan dahil kahit saan kami nararating na lugar na walang problema puro masasaya at pagiging malaya lang. At marami kaming mga alaala na mahirap mabura sa aking isipan. “Sasabay sa daloy” ito ang naisipan kong sawikain dahil ito ay sumasalamin sa aking kabataan. Hindi ko alam kung saan ang wakas pero ang alam ko lang ay nagsisimula pa lang ako sa aking buhay.
Sasabay lang ako sa daloy kung saan ako dadalhin dahil habang bata pa ako, magpapakasaya muna ako ng lubos dahil wala pa akong malaking responsibilidad. Kung saan ako masaya, doon ako sasabay dahil ang aking kaligayahan ang pinakamahalaga ngunit dapat ko rin alamin ang aking mga limitasyon. Dapat akong maging maingat sa aking mga desisyon dahil ito ay makaka-apekto sa aking kinabukasan. Hindi ko bibigyan ng “pressure” ang aking buhay dahil alam ko na bata pa ako na gustong matuto sa aking mga pagkakamali. Ang aking kalayaan ang nagbigay sa akin ng pagkakataon na matuto sa lahat ng bagay at ito ang naghuhugis sa aking personalidad.
Comments
Post a Comment