ANG PAGKAKAISA DAHIL SA PAGMAMAHAL
FAMILY DAY 2020
“Other things may change us, but we start and end with the family.” –Anthony Brandt
Pinagdiriwang ang “Family Day” sa ACT kada buwan ng Enero. Ang thema ng celebrasyon ngayong taon ay “Stronger Families, Stronger Asianista Community #BFFsaACT 202. Ito’y munting celebrasyon na nagpapaalala sa kahalagahan ng pamilya. Ang pamilya ay hindi lang ito makikita sa sariling mong mga magulang at mga kapatid, kundi ito’y makikita rin sa iyong mga kaibigan, mga kamag-aral at pati rin sa mga guro. Ang pamilya ay pinaka-importante sapagkat ito ay isa sa nagbuo sa ating pagkatao. Hindi ko kaya mawala sila sa akin dahil sila ay nagpapasaya at sila ang tumanggap sa akin kahit mahirap akong intindihin. Alam ko hindi ako perpekto na anak pero randam ko parin ang pagmamahal nila sa akin at nagpapasalamat ako dahil binigyan ako ng pamilya na minahal ako na walang kondisyon.
Bawat baitang ay sumayaw sa kung ano ang tribo na kanilang pinili. Ako ay kabilang sa baitang 9, sumayaw kami ng sayaw sa tribong “Yakan”. Panalo kami dito ng 2nd place at 1st place naman sa tshirt contest. Hindi namin ito mapanalo kung hindi sa mga guro namin na naghirap para magkaroon kami ng magandang representasyon sa aming baitang at sa mga magulang, kaklase atbp. na ginawa ang lahat para makatulong. Pagkatopos nang lahat, kumain kami sabay-sabay. At nagtapos ng matagumpay ang celebrasyon.
Ang natutunan ko sa araw na ito ay kung gaano kahalaga ang pamilya sa atin. Naging masaya ako dahil hindi lang isa ang pamilya ko pero maraming nadagdag na pamilya sa aking buhay at dapat ko itong pahalagahan. Hindi man ako sanay na ipakita sa inyo kung gaano ako nagpapasalamat dahil nandiyan kayo, pero dapat niyong malaman na nandito kayo lage sa puso ko dahil ang pagmamahal ay hindi makikita pero ito’y mararamdaman. Alam ko na ang pamilya ay hindi lang ito magtatapos sa celebrasyon na ito dahil alam ko na ang pamilya ay pang habang buhay.
Comments
Post a Comment