ANG PAGMAMAHAL AY ANG DIWA NG PASKO
Ang pasko ay ang pinakamagandang panahon sa buong taon dahil ito ang araw ng pagkasilang ng ating Diyos. Mahalaga sa buhay ng tao ang Diyos kaya ang kanyang kaarawan ay ipinagdiriwang sa buong daigdig.
Ang araw na ito ay nagsisimbolo ng pagmamahalan dahil makikita sa bawat isa sa atin ay nagbibigayan ng mga bagay, mamahalin man o hindi, ang mahalaga ay ito ay galing sa puso.
Bilang isang estudyante, gusto kaming makatulong at makapagbigay sa mga tao na tumulong rin sa amin sa paaralan. Kaya binigyan kami ng pagkakataon sa aming guro na mag “ipon challenge” upang makabigay ng regalo sa mga diyanitor. Ito ay isa sa mga pinakamagandang hakbang na nagawa ko sa pasko dahil ito ang paraan upang pasasalamatan ko sila sa kanilang mga mabuting gawa at alam ko na hindi madali ang kanilang trabaho kaya saludo ako at nirerespeto ko sila kagaya ng pagrespeto ko sa aking mga magulang.
Nagpasya kami ng aking mga ka grupo kung ano ang ibibigay namin sa diyanitor na si “Kuya Panday Taas” at napag-isipan namin na mahalaga ang pagkain sa pasko kaya yun ang unang ibinigay nila kay kuya. At naisipan ko na maraming matanggap na mga pagkain at iba pang bagay na magagamit sa pamilya ni kuya pero wala siyang matanggap na bagay na para lang sa kanya kaya binigyan ko siya ng perfume. Alam ko na ito ay napaka-iba sa mga regalo na kanyang mga natanggap pero ang gusto ko lang ay magkaroon siya ng regalo na para sa kanya lamang dahil alam ko na ang una niya gagawin sa pasko ay makapakain at mabigyan ng regalo ang kanyang pamilya. Gusto kong bigyan ng pagkakataon si kuya na mag-ayos sa kanyang sarili dahil palagi siyang nasa trabaho at gusto ko na mabango siya habang sinasalubong niya ang pasko.
Sapat na sa akin ang pagsabi ni kuya ng pasasalamat sa akin dahil ang pagbahagi ng bagay sa iba ay walang hinihinging kapalit. Ang pasko ay tungkol sa pagpapakita pagmamahal hindi lang sa pamilya o kaibigan kundi sa ibang tao rin. Gaya nga sa kanta “Give love on Christmas Day”, ang pagmamahal ay ang diwa ng pasko.
Comments
Post a Comment