ACT KNIGHTS’ BASKETBALL BOYS, AARANGKADA NA PATUNGO SA DISTRICT II MEET CHAMPIONSHIP


Image may contain: 3 people, people standing and outdoor
Credits: Angel Calma
                                          
    
              Wagi ang ACT knights kontra sa Jaclupan High School sa iskor na 39-33 nitong Septyembre 25, 2019 na naganap sa Bulacao Gym.

            Bumitaw ng mainit na 3-point shoot sa huling segundo sa panghuling kwarter si Usop, manlalaro sa ACT, para tuluyang iwan ang Jaclupan, 39-33.

          Naging mainit ang labanan sa pagitan ng ACT at Jaclupan sa second half nung naging patas ang iskor ng dalawang koponan, 27-27.

          Ipinakita ka agad ng ACT ang kanilang defensive power nung muntik na silang malamangan sa kalaban.

           Hindi nagpahuli ang Jaclupan, ginawa nila ang kanilang makakaya sa pagdepensa para umangat ang kanilang iskor sa ikatatlong kwarter.

         Sa umpisa palang, ipinakita na ng ACT ang kanilang pagtutulongan upang makalaro para sa championship.

        “Nangita mi ug way para malabwan kung kinsay libre” (Humanap kami ng paraan para tataas ang aming iskor) Ayon kay Coach Mc Derick V. Basco, coach ng ACT Knights.

        Inasahang lalaro muli ang ACT knights para sa District Meet Championship ngayong Septyembre 27.


Comments

Popular posts from this blog

NAPAPANAHONG ISYU: TEENAGE PREGNANCY

HALAGA NG BUHAY

RODOLFO CORNEJO: A FILIPINO CONTEMPORARY COMPOSER