Posts

Showing posts from December, 2019

ANG PAGMAMAHAL AY ANG DIWA NG PASKO

Image
              Ang pasko ay ang pinakamagandang panahon sa buong taon dahil ito ang araw ng pagkasilang ng ating Diyos. Mahalaga sa buhay ng tao ang Diyos kaya ang kanyang kaarawan ay ipinagdiriwang sa buong daigdig.    Ang araw na ito ay nagsisimbolo ng pagmamahalan dahil makikita sa bawat isa sa atin ay nagbibigayan ng mga bagay, mamahalin man o hindi, ang mahalaga ay ito ay galing sa puso.   Bilang isang estudyante, gusto kaming makatulong at makapagbigay sa mga tao na tumulong rin sa amin sa paaralan. Kaya binigyan kami ng pagkakataon sa aming guro na mag “ipon challenge” upang makabigay ng regalo sa mga diyanitor. Ito ay isa sa mga pinakamagandang hakbang na nagawa ko sa pasko dahil ito ang paraan upang pasasalamatan ko sila sa kanilang mga mabuting gawa at alam ko na hindi madali ang kanilang trabaho kaya saludo ako at nirerespeto ko sila kagaya ng pagrespeto ko sa aking mga magulang.     Nagpasya kami ng aking mga ka grupo kung ano ang ibibigay namin