ACT KNIGHTS, HUMAKOT NG PARANGAL SA DISTRICT II MEET’S BASKETBALL 2019


        
Image may contain: 18 people, people smiling, people standing
Credits: Angel Calma
                                    

   ACT Knights nagpakitang gilas sa District II Meet’s Basketball 2019 nitong Septyembre 27 na naganap sa Bulacao Gym.

       Hindi nagpahuli ang ACT Knights sa paghakot ng mga parangal, naging kampeon ang ACT sa Secondary Basketball Girls at 3x3 Basketball Boys.

       Samantala, 2nd place naman ang 5x5 Secondary Basketball boys at 4th place ng Elementary Basketball Boys.
                                   
       Hindi man naging back-to-back champion ang 5x5 Secondary Basketball Boys, hanga parin ang kanilang kapwa Asianistas sa kanilang ipinakitang dedikasyon at determinasyon sa laro.

      Ayon kay Pegarido, mythical player sa laro, “Bawi rami sa mga sayop namo karon para maka buhat mig tarong inig ka division” (Babawi kami sa susunod para sa Division Meet)

      Dagdag pa ni Coach Mc Derick V. Basco, coach ng ACT Knights, “Kailangan pami ug heavy training para Division kay kuwang paman kaayo ilang defense ug ilang offense ug para ma kuha na ilang systema sa duwa” (Kailangan naming ng matinding training dahil nakulangan kami ng defense at offense para makuha ang systema sa laro)


      Inasahang lalaro muli ang ACT Knights para sa Division Meet 2019 ngayong Nobyembre.






Comments

Popular posts from this blog

NAPAPANAHONG ISYU: TEENAGE PREGNANCY

HALAGA NG BUHAY

RODOLFO CORNEJO: A FILIPINO CONTEMPORARY COMPOSER